Strange Bedtime Stories

Monophonic Lullabies

Illustration by: Emil Valdivia

Little monster could not sleep.

“I can’t sleep.”

The little boy asked him what was wrong.

“What’s wrong?”

Little monster answered:

“Something’s bothering me.”

The little boy asked what was bothering him:

“What’s bothering you?”

And the little monster said:

“Read the story again, i forgot how it ended.”

The little boy asked which story it was:

“Which story?”

The little monster answered:

“The story where I woke up from a weird dream of black brick houses trashing the next door neighbor’s house with eggs and toilet paper.”

The little boy answered:

“Oh that! Okay, but you have to promise me you’ll sleep right after I tell you that story, it’s past your bedtime.”

The little monster promised:

“Promise.”

So the little boy got the book and started reading. 

“Once upon there was a little monster named Burko. One night, he had a dream. In his dream, he woke up inside a black-bricked house. He stepped outside and started throwing the neighbor’s house with pink eggs and long, endless, flying toilet paper.”

The little monster was falling half asleep in the middle of the story. 

The little boy continued:

“Burko found a box full of jumping baby rockets. He threw them up in the air. The baby rockets flew up, up and away! He sang “come on aileen oh I swear what he means at this moment, you mean everythiiiiing..” and danced away through the night under the moonlight on the beach, smiling at the waves and the clouds and the stars, and fell asleep. And he lived happily ever after.”

Before the little boy could even finish the story, the little monster was already in a deep deep slumber. 

“Tomorrow, I’ll tell you the same story again. Good night, Burko.”

Said the little boy.

Iboto Nyo’ Ko!

Illustration by: Greg Diaz

Mga kababayan ko, karapat-dapat akong iboto. Nakapaskil sa lahat ng pader ang mukha ko para patunayang karapat-dapat ako. Marami ng nagtanong sa akin kung bakit ako dapat iboto. Ang sagot ko, marami akong pwedeng idahilan kung bakit.

At bakit?

Dahil:

1. Wala naman sa itsura ko ang maging magnanakaw at manloloko. Pogi ako, pwedeng pwedeng gawing representatib ng ating bansa, hindi ako mahihiyang humarap sa tao. May showbiz quality.

2. Ako naman ay nakapag-aral at nakapagtapos sa isang prestihiyosong kolehiyo. Napag-aralan ko ang English, Math at Social Studies na napakahalaga para sa posisyong ito. English para magandang pakinggan pag ako’y nagsalita. Math para magaling akong magbilang ng pera. At Social Studies para naman matuto akong makipagsosyalan at makipaghalubilo sa mga importanteng tao.

3. Tinuruan din akong makisalamuha sa mga mahihirap. Galing man ako sa isang mayamang angkan ay advantage pa rin yun para sa akin.

4. Marami akong maipapangako katulad ng: ipapaayos ko ang mga paaralan, opisina, ospital, kulungan, basketball gyms, parke, mall, simbahan, beach resorts, airports, casino, sinehan, motel, at iba pa. Ang kailangan lang natin ay malaking pondo galing sa mga bulsa ninyo at tiyak ay solb na solb ang lahat ng ito!

5. Ipapakita ko sa inyo na ako’y nagdadasal at nagsisimba. Pasasalamat sa lahat ng kayamanan at perang natatanggap ko sa tulong ninyo.

6. Gagawa ako ng kung ano anong proyekto para tumaas ang pork barrel ko. Magpapatupad tayo ng kung ano anong batas para humaba ang listahan ng accomplishments ko. Isa rito ay ang pagparami ng holidays sa ating bansa.

7. Dahil totoo sa aking puso ang pagtulong at pagsilbi sa inyo, lahat ng proyekto ko ay may pangalan ko para naman maalala ninyo laging marami akong nagawa.

8. Makikilala ang ating bansa. Magpaparami tayo ng mga katulad ni Pacquiao. Mageendorso ako ng makilala ng husto.

9. Dahil natural na tataas ang presyo ng gasolina, pamasahe, kuryente, tubig, renta sa bahay, gulay, karne, isda, gamot, matrikula, bayad sa toll at tax, ibababa ko ang bayad sa sinehan para kayo ay masiyahan.

10. Bibili ako ng maraming lupa, bahay, kotse, eroplano, gusali, alahas, at lahat ng ari-ariang maisipan ko para makita ng lahat kung gaano tayo kayaman! Bibili rin ako ng mga ari-arian sa ibang bansa, patunay na kaya nating pumantay sa kanila.

11. Magdodonate ako sa mahirap gamit ang sarili kong pera. Mamimigay ako ng pera sa mga botante, libreng gamot sa mga may sakit, pampapyesta sa kada barangay, dadalo sa lahat ng ribbon-cutting sa kahit saan mang sulok ng Pilipinas, yayakap, makikipagkamay, bebeso, at ngingiti sa lahat ng tao kapalit ang simpleng pagsulat ninyo sa pangalan ko sa inyong mga balota.

12. Babayaran ko ang utang ng ating bansa at dadagdagan ang mga isla nito para naman ay hindi congested ang Maynila.

13. Gagawin nating ligal ang mga pasugalan, at iba pang iligal para makadagdag rin sa oportunidad para kumita ang mga tao. Tataas ang ating ekonomiya kapag tayo’y malayang makapag export ng mga iligal na bagay katulad ng droga, armas, mga endangered species at siyempre ang mga sariling atin na kababayan!

14. Magpaparami ako ng body guards at magpapaexempt sa gun-ban para makasiguro sa aking security. Paminsan-minsan ay magbabakasyon rin ako sa magagarang lugar at kakain ng napakamahal na mga pagkain para makapagrelax at makapag-unwind. Mga kababayan, kung ako’y napagod ng todo-todo at nagkasakit, paano nalang kayo? Kapakanan niyo pa rin ang iniisip ko!

15. Benepisyo para sa mga senior citizens na libre ang entrance sa Star City kapag kaarawan nila. At pati na rin sa mga estudyanteng walang bagsak sa skwela. Incentive, ika nga.

Ilan lang yan sa mga dahilan kung bakit nararapat akong iboto ninyo. Gagawa pa ako ng maraming pangako na ikatutuwa ninyong lahat. 

Pag-isipan ninyong mabuti! Gallardo para sa Senado at tiyak ay may kinabukasan AKO at ang lahat! AKO bago ang lahat!

Pig Tales

Illustration by: David Agcaoili

Once upon a time sa isang faraway land, meron isang Witch na nakatira sa loob ng isang cave. Meron siyang isang malaking pot kung saan siya nagluluto at paminsan minsan ay nagsa-sight-seeing ng pinakamagandang mga babae sa lupa (dahil di pa uso ang FHM noon). Hindi dahil tibo siya kundi dahil pinapatay niya ang mga magagandang babae dahil sa sobrang inggit.

Dati rin siyang isang magandang babae pero dahil sa isang sumpa na feeling niya di niya dinedeserve ay naging bitter siya.

One day, natripan niyang magtanong sa malaki at mahiwaga niyang palayok na puro usok ang lumalabas pero wala namang nilulutong nilaga. 

Witch: “Palayok, palayok, sino na ang pinakamagandang babae ngayon sa balat ng lupa?” (matining na boses)

Palayok: “Si Reyna Estrella, mahal na mangkukulam.”

Witch: “Anoooo?! Sino naman siya!? Patingin ako ng picture!”

At pinakita ng palayok ang itsura ng napakandang reyna.

Witch: “Hindi maaari ito! Kailangan ako lang ang maganda sa lupang ito! Kailangan makagawa ako ng paraan para mawala siya!”

Agad ay nag-isip siya ng mga potion na pwedeng gamitin para mapatay niya si Reyna Estrella. Ilang oras siyang nagconcentrate sa paggawa ng mga potion at saka lang sinabi ni Palayok na:

“Boss, hindi niyo po siya pwedeng patayin. May suot siyang kwintas na pangontra sa kamatayan hanggat hindi pa tinatakda ng panahon.”

Witch: “Ow? Eh bakit mo ngayon lang sinabi to?!”

Palayok: “Sorry.”

Witch: “Ano na gagawin natin?!”

Palayok: “Pwede niyo po siyang i-curse. Isumpa niyo po na yung unang anak niyang lalaki ay magiging baboy pagdating ng first birthday niya.”

Witch: “Ganoon? Yun lang? Pero siya parin ang pinakamaganda?”

Palayok: “Uh, oo. Pero antayin niyo nalang siyang tumanda, papangit din yun.”

Witch: “Pero gusto ko ako lang ang maganda!”

Palayok: “Hindi niyo po siya pwedeng patayin kamahalan, kasi pag sinubukan niyo siyang patayin at suot-suot niya ang kwintas, kayo po ang mamamatay. Gets??”

Witch: “Fine. Aha! Kung kunin ko kaya sa kanya yung kwintas at saka ko siya patayin?”

Palayok: “Napaka smart niyo po.”

Witch: “I know, right?”

So umisip ng paraan itong si ugly witch kung paano niya makukuha yung kwintas ni Reyna Estrella.

Plan A: Kunin ang kwintas habang natutulog si Reyna Estrella.

Isang gabi habang tulog ang reyna ay pumasok siya sa kwarto nito ng walang ka-sound sound. Sinigurado niyang di magigising si Reyna Estrella. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama neto. Dahan-dahan niyang inaabot ang kwintas ng biglang may umakyat na itim na pusa! Takot siya sa itim na pusa kasi may allergies siya dito pag tiningnan siya neto sa mata. At ganun nga ang nangyari. Di na nga niya nakuha ang kwintas, nagmukha pa siyang pantal.

… FAIL 

Plan B: Kunin ang kwintas habang naliligo siya hoping na tatanggalin niya ito.

So the next day, nagsneak-in na naman siya and this time sa banyo hoping na tanggalin nga yung kwintas. But no. Suot-suot pala niya ito kahit naliligo siya. Hindi na nga niya nakuha ang kwintas, nainggit pa siya kaseksihan ng reynang ito.

… FAIL 

Plan C: Kunin ang kwintas in public. 

Day 3. Nagpanggap siyang magnanakaw na pulubi na mangssnatch ng kwintas ng reyna habang namamasyal sa park. Pero nung nakita niya ang reyna, sakay ito sa isang karowahe at andaming body guards! Sinubukan parin niyang habulin. Tumakbo siya pero dahil mahaba yung suot niyang black dress ay naapakan ang dulo nito ng ibang tao at natalisod siya. Sumubsob sa putikan. Bad trip. Hassle. Di na nga nakuha ang kwintas, kelangan pa niya ngayon maligo. Bad trip talaga siya.

… FAIL 

Witch: “Argh! Ano bang gagawin ko?!”

Palayok: “Isumpa mo nalang siya kasi.”

Witch: “Okay sige! Sinusumpa ko, ang unang anak niyang lalaki ay magiging isang baboy pag dating ng unang kaarawan niya! Happy birthday talaga! Bwahahaha!”

————————————————————————————————————————————————-

Meanwhile, habang natutulog si Reyna Estrella ay nagkaroon siya ng isang matinding bangungot. Isang malupit! Nagising siyang hinihingal at pinagpapawisan at naiiyak.

Hari (extra lang sa kwentong ito): “Anong nangyari mahal ko?”

Reyna Estrella: “Napanaginipan kong mayroong isang Witch na sumumpa sakin ang sabi, ang una nating magiging anak na lalaki ay magiging baboy pagdating ng unang kaarawan niya! At tumatawa pa siya! Ang sabi niya Happy Birthday talaga!” 

Niyakap ng Machong hari ang reyna at kinomfort ito at sabi:

“Magpahinga kana’t matulog. Bukas na bukas ay ipapahanap natin lahat ng mga mangkukulam dito at sisiguraduhin kong walang ni sino mang susumpa sayo.”

At yumakap ang reyna sa napakamachong katawan ng hari.

Kinabukasan ay pinatawag ng hari lahat ng witch sa kanilang lugar at sa tulong ng isang mabait na witch ay nalaman nilang totoo nga ang sumpa sa panaginip ni Reyna Estrella. In fact, nagdadalang-tao na pala itong si Reyna Estrella, at sa isang baby boy pa.

Mabait na witch: “Wala na tayong magagawa, nagawa na ang sumpa.”

Umiyak ang Reyna. Pinatapon sa isang dungeon ang kalabang witch at dun ay kinulong at eventually ay pinakain sa mga leon sa loob ng dungeon na yun.

Lumipas ang mga araw at buwan at nagsilang ng sobrang cute na baby boy si Reyna Estrella. Lumipas pa ang mga araw at buwan at finally ang first birthday ng baby boy.

At saktong 12 AM, habang mahimbing na natutulog ang ating bidang baby ay nagliwanag ang buong kwarto niya. Siya ay naging isang baboy na cute na may buntot na rainbow na nagssparkle sa dulo.

————————————————————————————————————————————————-

Kinabukasan ay nakita ni Reyna Estrella ang anak niya. Kahit sobrang cute na baboy ito at nakakamangha dahil sa buntot niyang rainbow na Umiyak silang mag-asawa sa sobrang lungkot. Naisipan ng hari na ipadala ang anak sa malayong lugar kung saan walang ibang taong makakakita sa kanya. Isang malaking secret ito. Pero tumanggi si Reyna Estrella sa sobrang pagmamahal niya sa anak niya. Naniniwala siyang mawawala parin ang sumpa.

Nagdaan ang mga araw, buwan at taon. Limang taon na si Julian (yung baby) at isa parin siyang baboy. Pero isa siyang napakasayahing baboy na natutuwa sa lahat ng bagay. Walang may gustong makipaglaro sa kanya dahil sa itsura niya. Sabi pa nga ng isang batang konyong anak rin ng isa pang hari sa lugar nila:

“Julian, you’re so gay with that sparkling rainbow.”

Napagkamalan pa tuloy siyang bading. Pero hindi siya gay. Pero umiiyak siya lagi dahil sa mga panlalait nila.

Isang araw, binisita si Julian ng mabait na witch. Dinalhan siya ng apples! Habang kumakain sila ay kwinento ng mabait na witch kung ano ang nangyari sa kanya at kung bakit siya hindi siya pangkaraniwang bata. At ang totoo nito, kaya rin binisita ng mabait na witch itong si Julian ay dahil may good news siya para sa kanya.

Good witch: “Alam ko na kung paano ko matatanggal ang sumpa sayo!”

Julian: “Talaga po? Paano?”

Good witch: “May pupuntahan tayong wishing room kung saan ang sahig nito ay checkered black and white. Kailangan mong humakbang ng apat na beses at maka-skip ng tatlong squares para magkatotoo ang kahilingan mo.”

Napaisip si Julian. Bakit tatlong squares? Gaano kalaki ang squares? Kaya ko kaya yun? Saan naman tong kwartong to?

Good witch: “Alam ko ang iniisip mo. Iniisip mo kung bakit kailangang tatlong squares at kung gaano kalaki ang mga ito at kung kaya mo kayang gawin yun at kung nasaan ang kwartong tinutukoy ko. Tama ako diba?”

Julian: “Opo. Ang galing niyo naman.”

Good witch: “Witch ako e. Kailangan mong kayanin. Try and try until you succeed ika nga. Kung hindi, di matutupad ang pangarap mo. Tatlong beses lang ang chance mo or else hindi kana makakahiling kahit kailanman. Ang kwartong ito ay nasa ibang dimension ng mundo natin at pupuntahan natin ito. Kung gusto mo ngayon na!”

Julian: “Sige po!”

So naglakbay sila sa kalawakan, lumipad ng nakataas lang ang mga kamay sa ere at nakangiti pa habang tinitingnan ang buong paligid, parang nagsasight-seeing lang.

Nang makarating sila sa kwartong sinasabi ng mabait na mangkukulam ay napahinto muna si Julian. Kinakabahan siya.

Good witch: “Wag kang kabahan. Think happy thoughts!”

Julian: “Apples! Donuts! Si Mama at Papa. :) “

Good witch: “O sige, humakbang ka ng apat na beses at sa huli mong hakbang ay dapat malampasan mo ang tatlong squares sabay isigaw mo ang wish mo sa isip mo lang.”

Ganoon nga ang ginawa ni Julian.

First try. FAIL.

Second try. FAIL parin. Kinakabahan na siya. Isang chance nalang. Para kay Mama at Papa, bulong niya sa sarili niya.

Hakbaaaaang! Sa sobrang concentration niya, nalampasan niya ang tatlong squares sa sahig at nakita niya ang buntot niyang rainbow na may sparkles sa dulo na pumagaspas at lumipad saglit ng limang segundo. WISH!!

Lumapag siya sa sahig na para bang may naramdamang isang matinding hope sa katawan at pumikit. Pagdilat niya, nakita niyang lumuluha at nakangiti ang mabait na witch.

Hindi nagbalik anyo si Julian bilang tao pero nasa tabi na niya ang kanyang mga magulang na matagal ng namatay dahil sa isa na namang sumpa na ginawa ng ugly witch bago siya pinakain sa mga leon. Hiniling nyang sana mabuhay sila ulit at makasama niya habang buhay kahit ang ibig sabihin nun ay hindi na siya magiging isang normal na tao kahit kailan.

Reyna Estrella: “Julian, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay namin. Napakabusilak ng iyong puso, anak.”

Tumulo ang luha ni Reyna Estrella at nahulog ito sa nagssparkle na buntot ni Julian. Lumiwanag ang buong kwarto.

Ilang saglit lang ay unti-unting nagpalit ang anyo ni Julian. Laking gulat ng tatlo kung paano nangyari yun. Hindi na nila tinanong pa kung paano nangyari ang isang napakamalaking himala. Naglakbay sila at umuwi na sa kanilang palasyo at doon ay magkakasamang naglive happy ever after.

Time Machine To Mars

Illustration by: Jhoan Cobacha

Cast:

Boy & Girl

Scene one: Earth. Day One.

Boy: Nakakatamad.

Girl: Oo nga.

Boy: Food trip tayo.

Girl: Walang laman ang ref eh.

Boy: Fishballs?

Girl: Cge.

***Walang mahanap na bilihan ng fishballs.***

Girl: Pffft.

Boy: Pffft.

Girl: Jackstone tayo.

Boy: Ayoko. Patintero nalang.

Girl: Eeee.

Boy: Langit Lupa?

Girl: …

Boy: E anu?

***After 5 minutes na dead air na kunyari ay nag-iisip sila pero di naman talaga***

Boy: Alam ko na!

Girl: Game! Ano?

Boy: Magbilang tayo ng mga dumadaan na yellow na kotse sa kalsada!

Girl: Tapos?

Boy: Pag nakaabot tayo ng 100, magwish tayo!

Girl: O cge!

***1..2..10..50..54..72..87..99..100! (Wow!)***

Girl: Wish wish wish!!

Boy: Wag kang maingay nagcoconcentrate ako!

***Nag-wish***

Boy: Anong winish mo?

Girl: E pagsinabi ko edi di na siya matutupad. Antayin nalang nating mangyari!

Boy: Boring. Isheshare ko wish ko sayo.

Girl: Ano yun?

Boy: Sana makapunta tayo sa Mars.

Girl: Di na matutupad yan.

Boy: Malay mo.

Scene Two: Earth. Day Two.

Boy: Hapon na nakakatamad pa rin.

Girl: Alam ko na! Gumawa tayo ng time machine!

Boy: Papunta saan?

Girl: Mars!

Boy: Time Machine?

Girl: Time Machine!!

***Gumawa ng blueprint ng tunnel at time machine sa isang malaking Manila Paper***

Materials para sa Time machine:

1 Balikbayan Box

2 maliit na unan

Maraming packing tape

Maraming lumang jaryo

Pinturang kulay red, black, orange, violet at dark blue

1 Umbrella

2 pairs of goggles

Alarm clock

Cassette Player

Cassette tapes ng Siakol, Grin Department at Teeth

2 pairs of boots

Tali

Kiddie size na timba

Flashlight

Bote ng gin

Calculator

Hanger

Salamin ng nanay niya

Swiss Knife ng Tatay mo.

At iba pang pwedeng maisipan mo.

Instructions:

1. Buksan ang balikbayan box. Pinturahan, magdrawing ng kung ano-ano sa gilid ng box at pangalanan itong: “THE GONER” (Ang nawawala).

2. Maglapag ng newspaper sa loob ng box, tapos ilapag ang dalawang maliliit na upuan.

3. Ikabit ang calculator, alarm clock, cassette player, at salamin sa loob ng box gamit ang tali at packing tape.

4. Ikabit ang bote ng gin sa loob ng gitna ng box para magmukha itong kambyo.

5. Magbutas ng bilog na hugis sa likod ng box na kasing laki ng timba at dun isiksik ang timba (tambutso!).

6. Magsuot ng boots at goggles.

7. Ang hanger (manibela) ay hahawakan ng driver at ang payong ay hawawakan ng passenger.

***GETS?***

Girl: Buo na si The Goner!

Boy: Bakit yun yung pangalan? Gusto ko Time Buster.

Girl: Common na yun e.

Boy: Okay sige pero ako driver ha.

Girl: Okay!

Boy: Mars, here we come!

***Nagpanggap ang dalawa na bumabyahe na nga sila papuntang kalawakan***

Scene Three: Earth pa rin. Day Two.

***Setting: Gabi. Sa bakuran. Kitang kita ang stars at ang moon. Nakasakay parin sila sa time machine nila apat na oras na ang nakakalipas***

Girl: Wow! Natupad na ang wish mo! Nasa planetang Mars na tayo!

Boy: Oo nga! Ang saya! Lagi tayong pumunta dito!

Girl: Ang ganda ng kalawakan! Ang daming stars!

Boy: Ang laki ng buwan! Punta tayo dun!

Girl: Sige! Tara!

Scene Four: Earth. At di sila lalabas dun.

***Nakalipas ang isang oras***

Boy: Uwi na tayo sa Earth, nagugutom na ako eh.

Girl: Sige, ako rin uuwi na baka pagalitan ako ni Nanay kinuha ko yung salamin niya, lagot ako.

Boy: O sige tara na.

Girl: Nekstaym ko nalang sabihin sayo yung wish ko.

Boy: Okay.

Scene Five: Earth. Habang kumakain kasama ang Nanay na may-ari ng salamin.

Girl: ‘Nay! Hiniram ko yung salamin mo kanina.

Mother: Para saan?

Girl: Naglaro ako kanina.

Mother: Niligpit mo ba kalat mo?

Girl: Opo ‘Nay. Nagwish po ako kanina.

Mother: Anong wish mo, anak?

Girl: Na sana makasakay ako ng Time Machine. At nangyari nga yun, ‘Nay!

Mother: Sinong kasama mo?

Girl: Imaginary friend ko. :)

Credits:

Donna Noda — The Goner na idea

Dave Grimaldo — Materials para sa time machine

Illustration by: Richard Go

Illustration by: Jhoan Cobacha

King of the Hill

Illustration by: Dave Grimaldo

My name is Max. They call me Max but I’d like to call myself:

King Maximillion.

It sounds cool. 

Because I am a king (said Max).

I live in a kingdom of pillows.
I have a nice big shiny
blue chair made up of small shiny bluethings.
I wear a long
red robe (taller than my head) with my name on the back.

That says: M A X

Mom made it, she’s so cool. But I’m still the King.
She’s not.

I have a colorful staff with cotton candy on top of it.
I wear a plastic crown and wrote “KING” on it so that everyone can see.
And my soldiers are bears. Yes. Teddy bears.

I chose them coz I think they’re scary.

And today, I’m off to a journey to conquer another kingdom.
A place not faraway from here.
Just one block away. 
And they call it:
CANDY STORE.

Please don’t tell my Mom.

Illustration by: Emil Valdivia

Sushi Dweezuhl

Illustration by: David Agcaoili

In a not so dreamy deep sea, there lived a starfish who loved talking to the rocks and the sky. But this starfish is not part of our story.

Our story is about a sea bear with a peculiar namesake.

Everyone called him Hhhhh (actually read as Hoku. Means “awesome”. But this is fiction.) Yes, that’s his name. His mother died a few minutes after giving birth to him and the only thing they could here her say was “Hhhhh” (which was actually her last breath) so they (and the storyteller is not sure who “they” are) just assumed it was his name. And it was awesome (the name).

Hhhhh was a sea bear.

Sea bears are usual creatures just like the sea baboons, sea cats, sea donkeys and sea insects.

But Hhhhh was the oddball of his kind.

They all thought he had some kind of a disease because he looked entirely strange. It looked like he was always wearing a pink, fluffy, wobbly, and furry jumpsuit. That’s because his fur was thick and pink and he looked all wobbly and fluffy whenever he walked, skipped, jumped or laughed. He didn’t exactly look like a blob. He wasn’t gooey. He was a fat, stout, furry and friendly sea bear who always displayed an extra unlike all the other sea bears who looked so big and dark and scary and tough. He had big, round, and shiny green eyes that grew wider when he smiled. All these things bothered them, but not him.

Ordinary sea bears loved to eat meat. He, on the other hand only ate leaves and sea weeds. And they thought it was disgusting.

Hhhhh liked to play by the beach when he was alone and collected shiny black rocks that looked like deformed robots. He would collect five in a day and hide them in cave only he knew of (or so he thought).

On one mid-summer day in the prosaic life of Hhhhh, (when it seems like this could never get any boring as it is), he found another rock!

“Oooooh!”, he said with such perplexity (mentally, controlling his breath, hoping no one would notice, even when no one was around), stuck in a state of surprise.

This time around, he picked up a different rock for the first time. It didn’t look anything like his deformed black robot-like collection of stones. In fact, it didn’t look like a rock at all! It was still a rock but it just didn’t look like it. It had a dark red color. It was smooth and had tiny shining crystals in it.

Whispering with the lowest gentle tone he could make, he asked himself: “???”

Because he has never seen anything like it before, he convinced himself this was something magical. And for something so otherworldly (in his own point of view), it had to have a name.

And he named it: Sushi Dweezuhl (in Hhhh’s dictionary, Sushi meant magical and the second name, he just invented right at that moment). Indeed, it sounded so magical and mysterious.

Telekinetic. Spellbinding. Mythical. Nope, this had nothing to do with Hhhhh’s newfound rock. But the pink, fat, fluffy monster was happy anyway. It was all that mattered to him.

The End.