Strange Bedtime Stories

Novena

Illustration by: Vivalawham

+++

Natatakot.
Sumasampalataya.
Nagdarasal.
Nagmamahal.
Kunwari.
Nagpapanggap.
Nagpapanggap.
Sa mundong ito,
Sino sa tingin mo ang magtatanggol sayo?
Sa paligid mo,
Sino sa palagay mo ang magliligtas sayo?

+++

Ang diyos mo.
Ang diyos nya.
Ang diyos ng mga daga.
Ang diyos ng mga kape.
Ang diyos ng mga tulala.
Ang diyos nating lahat.

+++

Diyos na hindi nagpapakita.
At minsan hindi madarama.
Diyos na naimbento sa kwento.
Sa mga kwento mong nakakalungkot.
Diyos na nagmula sa utak.
Sa utak mong madugo at malikot.

+++

Itanong mo sa kanya,
Bakit maraming naghihirap?
Itanong mo sa kanya,
Ano ba talaga ang silbi ng buhay?
Itanong mo sa kanya,
Bakit hindi ka niya sinasagot?
Itanong mo sa kanya,
Anong iniisip niya?
Magtanong ka.
Magtanong ka.
Magtanong ka hanggang sa manawa ka.

+++

Babad sa kasalanan,
Malulunod at malulunod ka.
Lulutang ng lulutang,
Dito sa madungis mong mundo.
Sino ang sasaklolo sayo?

+++

Magtiwala ka.
Magtiwala ka sa wala.
Manalig ka.
Manalig ka hanggat kaya.
Maghintay ka.
Maghintay ka ng isang himala.
Mabulag ka.
Mabulag ka sa iyong paniniwala.

+++

Ang diyos niyo.
Ang diyos nila.
Ang diyos ng mga trahedya.
Ang diyos ng mga balita.
Ang diyos ng mga giyang.
Ang diyos nating lahat.

+++

Alayan mo siya.
Ng bulaklak.
Ng pagkain.
Ng kanta.
Ng sayaw.
Ng dugo.
Ng laman.
Ng ngiti.
Ng luha.
Ng buhay.
Ng patay.
Ng lahat ng kaya mo.
Kung kaya mo.
Dahil diyos mo siya.
Yun ang sabi niya.

+++

Illustration by: Ray Piedra

  1. strangebedtimestories posted this