Strange Bedtime Stories

Sabrina Sunday

Illustration by: Johann Salazar

AKO SI SUNDAY.

Ako’y isang masayahing tao.
Napapangiti ako kahit sa pinakamaliliit na bagay.
Hilig ko tumawa.
Masaya ako kapag kumakain ako ng dirty ice cream.
O kaya kapag naglalakad ako mag-isa habang kumakanta ng theme song ng Batibot.
O kaya kapag pinapanood ko lang ang mga tao sa paligid ko maghapon.
Iniisip ko kung ano ang iniisip nila.
O di kaya ay gumagawa ako ng dialogue nila sa utak ko.
Masaya ako kapag nakakakita ako ng makukulay na lobo o saranggola.
Masaya ako kapag nakakakita ako ng mga larawan.
Tumatawa ako kapag pinapanood ko si Vic Sotto sa telebisyon.
Ika nga “the best things in life are for free”. Totoo. Libreng huminga at tumawa.
At tumanga.
At matulala.
At libre ring pagmasdan ang buong mundo sa ilalim ng paa mo.
Think happy thoughts lagi.

SI SABRINA.

Kambal ko.
Di tulad sa akin, si Sabrina ay bugnutin. Aburido. Mabilis magalit.
Hindi ko siya maintindihan.
Hindi ko alam kung bakit siya ganoon.
Madalas ay bigla nalang siyang magagalit sa pinakamaliit na dahilan.
Kapag mainit ang panahon, maiinis.
Kapag mahaba ang pila, magaaburido.
Kapag nadumihan ang sapatos, maiinis.
Kapag nalipat sa ibang page ang librong binabasa dahil natapatan ng electric fan, magdadabog.
Bakit? Diko rin alam.
Kapag may problema siya, dinadaan niya sa sigaw.
Sasabihin niya:
Gusto niyang maglaho nalang bigla.
Gusto niyang mahimatay at kinabukasan na magising pag ayos na ang lahat.
O kaya ay magteleport papuntang Batanes o kaya ay sa planetang Jupiter.
Minsan gusto ko ring gawin ang ginagawa niya.
Pero di ko magawa. Nadadaan ko nalang sa tawa at biro ang lahat ng pangit na bagay na nakapalibot sa akin.

ISANG ARAW:

Nakahiga akong pabaliktad sa kama, tulala at nakatitig sa kisame.
Pinagmamasdan ang ulan sa labas at ninanamnam ang katahimikan ng apat na sulok ng kwarto ko.
Napapikit ako ng ilang segundo.
At bigla nalang may narinig akong sumisigaw. Nang malakas!
AAAARRRGGGGHHH!!
Si Sabrina.
Nagdadabog.
Ang lakas ng boses habang nagkukwento kung bakit siya galit.
Walang mapanood na magandang palabas sa telebisyon.
Walang masarap na pagkain sa ref.
Malakas ang ulan.
Di makalabas ng bahay.
In short, bagot.
Patuloy siyang nagmamaktol, nagaaburido at nagdadabog…

PAGKATAPOS…

Pumikit ako. Pumikit ako ng todo.
Tinakpan ang mga tenga.
Kumanta ng Batibot.
Paulit-ulit.
Binibilisan.
Nilalakasan ang boses.
Hanggang sa napasigaw ako:
SAAAAAABRIIIIIINAAAAAAA!!!!!!!!
And pooof!
Nawala ang ingay!
Biglang naglaho!
Sa una akala ko ako yung nagteleport papunta sa kawalan.
Napalibutan ng nakakabinging katahimikan ang buong paligid.
Pero nasa parehong kwarto pa rin pala ako.
Nasaan si Sabrina?
Bakit wala na siya?
Tumayo ako. Hinanap ko siya sa buong kwarto.
Sa ilalim ng kama.
Sa banyo.
Sa cabinet.
Sa labas ng kwarto.
At sa buong bahay na.
Saan kaya siya nagpunta?
Bakit ang bilis niyang nawala?

ILANG SAGLIT PA…

Pumikit ulit ako.
Nakakagulat.
Parang hindi totoo, pero parang totoo rin.
Si Sabrina!
Nahanap ko si Sabrina!
Nakita ko siyang lumulutang, sumisigaw pero walang boses.
Nakita ko siya sa utak ko!
Sa sobrang galit ko ba ay napasok ko siya sa utak ko?
Sa sobrang concentration ko ba ay naikulong ko siya sa loob ng utak ko?
Parang kinakausap niya ako. 
Gusto niyang lumabas.
Dumilat ako.
Ngumiti. Tumawa.
Wala na si Sabrina.
Wala na ang nagwawala kong sarili.
:)

THE END.

Illustration by: Kris Carlos

  1. seunghyuun reblogged this from strangebedtimestories
  2. keight reblogged this from strangebedtimestories
  3. strangebedtimestories posted this