Strange Bedtime Stories

Pinatay Ko Ang Mga Bida Sa Ending

Illustration by: Dave Grimaldo

Lingid sa kaalaman ng karaniwang tao dito sa planetang Earth, may isang planetang nageexist sa ating solar system kung saan lahat ng nakatira, nabubuhay at kahit na patay doon ay puro fictional. Puro totoong fiction. Ang pangalan ng planetang ito ay Zorbius. Sympre dahil fictional nga ang planetang ito, nahirapan rin ang mga scientist nating icomprehend ito kaya di na sila nagbother pang pag-aralan pa ang Zorbius. Ang isa pang dahilan kung bakit di nila ito macomprehend ang planetang Zorbius ay dahil sa sobrang ganda ng itsura nito. “If a picture paints a thousand words..” ang drama ng mga scientist pag nakikita nila ang Zorbius. “Damn is all i can say!” sabi ng isang scientist, habang nakahiga sa kama at nagpapahingang nakatingin sa kisame.

Pero hindi ang scientist na yan ang focus ng ating kwento. So mapunta tayo sa planetang Zorbius. Sa totoo lang, di ko rin masyadong madedescribe ng maayos ang planetang ito dahil sa sobrang ganda niya kulang ang mga bulaklaking words para mapicture out niyo ang itsura nito. Basta maganda, medyo hi-tech at digital na yung era nila kaya everything was so cool. At sa planetang ito, kung saan mayroong 6.5 bilyong nilalang na nakatira, ay may magkasintahang nageexist. Si Radio Girl at si Robot Star.

Radio Girl and Robot Star were inseparable. Daig pa nila si John en Marsha at si Batman and Robin. Nireregaluhan ni Robot Star si Radio Girl ng bulaklak gawa sa Coke in can, minsan maliit, minsan malaki. Nilalagay naman ito ni Radio Girl sa isang flower vase na gawa sa pinagpatong-patong na magic spring na nasa tabi ng higaan nya tuwing siya’y matutulog. Ganoon sila kasentimental at ka “old school”. Lagi silang masaya. Hindi uso sa kanila ang nag-aaway dahil lagi silang magkasundo sa lahat ng bagay. Automatic kumbaga. Inside joke nila yun.

Isang araw nung namamasyal sila sa isang gubat ng mga bulok na makina, may napansin silang kakaiba sa ilalim ng isang luma at bulok na crane. Naapakan ito ni Radio Girl. Isang makapal, malawak, sticky at maitim na parang naipong crudo slash sipon. In other words, black blob. Nakakadiri yung amoy ng nito.

*Radio Girl: Ano to?

*Robot Star: Hindi ko alam. Base sa utak ko gawa siya sa isang kemikal na nakakalason! At..parang may buhay siya?

*Radio Girl: Ha?!

Dali-dali silang umalis sa kinatatayuan nila, tumakbo kung saan feeling nila safe. Pero hindi. Ang bakas ng black blob na yun na naiwan sa sapatos ni Radio Girl ay dahilan para masundan sila. At oo, may buhay nga ang black blob na iyun.

*Radio Girl: Oh no! Anong gagawin natin?

*Robot Star: Hmm..isa siyang maduming blob, tingin mo mamatay kaya siya pagbinasa natin ng tubig na may sabon??

*Radio Girl: Baka! Try natin!

Nakakita sila ng isang malaking swimming pool at pinuno ito ng detergent soap na mas magaling pa sa Tide at Ariel at pinabula nila ito ng todo todo. Naghintay sila sa tabi ng pool hanggang sa nakita sila ng malaking itim na jelly.

*Kalaban na jelly: Aha! Nanjan pala kayo! Kakainin ko kayo ng buhay!

Unti-unting lumalapit ang blob kung saan sila nakatayo na para bang nakasakay siya sa skate board. Ganun kaswabe yung galaw niya. Pero bago pa niya naabutan ang dalawa nating bida ay nahulog na siya sa swimming pool. Sa sobrang dumi nya naging itim na rin halos ang tubig at pati ang bubbles nito.

*Robot Star: Tagumpay! Wala na siya! Natalo natin siya!

*Radio Girl: Oo nga! Salamat sayo!

*Robot Star: Walang anuman, basta para sayo. :)

Akala nila dedo na si black jelly, pero hindi. Biglang dumilim ang paligid ng dalawa. Pagtalikod nila ay nakita nila ang kalaban na lalong lumaki!

*Kalaban na jelly: Yun ang akala nyo!

*Mga bida: Waaaah!!!

Tumakbo ulit ang dalawa pero mas mabagal na sila ngayon. Nahihigop pala ng blob ang lahat ng langis at kuryente sa mga baterya nila kaya sila bumabagal. Nang dahil dito, nagpanic na silang dalawa. Tuliro. Takot. Pagod sa kakatakbo ng mabagal. Hindi alam kung saan pwedeng magtago.

*Radio Girl: Anong gagawin natin?!

*Robot Star: Hindi ko alam! Kasalanan mo to e! Kung nag-iingat ka sana kanina edi hindi mo siya naapakan!

*Radio Girl: Hindi ko naman sinasadya! Ikaw nga kala mo naman ang genius ng plano mo! Tingnan mo tuloy lalo siyang lumaki! At nauubusan na tayo ng charge sa katawan!!

*Robot Star: Edi ikaw gumawa ng plano mas magaling ka pala sakin e!

*Radio Girl: Itanong mo jan sa utak mo kung anong gagawin natin!

*Robot Star: At least ako may utak!

*Radio Girl: Tumigil ka tutusukin kita ng atenna ko e!

At nag-away nga ang dalawa for the first time. Hindi nila alam kung pano nangyari ang experience na yun pero yun ang isa sa mga malulungkot na nangyari sa buhay nila. Alam niyo kung ano yung mas malungkot dun?

Dahil busy sila sa pag-aaway, naubos ang energy nila sa paghahanap ng paraan para makatakas at makatakbo ng malayo. Hindi nila napansin na sobrang malapit na pala si black jelly sa kanila. And in an instant.

*Kalaban na jelly: OM NOM NOM NOM. YUMMY!

Kinain niya ang dalawa ng buhay.

LIBRENG MORAL:

Lahat tayo may kalaban na maitim na jelly sa ating mga sarili. Nasa satin na lang yun kung magpapadala tayo, magpapatalo at magpapakain ng buhay o hindi. Patuloy na lalaki at tataba ang itim ito kung lahat tayo walang peace and love para sa sarili at para sa isa’t isa.

At ito ang maikling kwento kung paano ko pinatay ang mga bida sa ending.

Illustration by: Ray Piedra

  1. strangebedtimestories posted this